Mahigit 250 passers ng September 2016 Licensure Examination for Teachers ang nanumpa na ng kanilang propesyon ngayong araw, January 08, sa 29th Oath-Taking Ceremonies for Professional Teachers na ginanap sa Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon.
Panauhing pandangal sa nasabing aktibidad si Gng. Benigna E. Mendoza, hepe ng delegasyon ng Professional Regulation Commission-Lucena City.
Ang lalawigan ng Romblon ay karaniwang kasama sa listahan ng mga Testing Center para sa second phase ng LET na ginaganap tuwing buwan ng Setyembre taon-taon.
Nitong 2016, umabot sa 312 na graduate ng Romblon State University ang pumasa sa nasabing pagsusulit.
Hinimok namann ni Gng. Benigna E. Mendoza ang mga bagong pasa na gampanan ang kanilang bagong tungkulin, ang pagiging guro para sa bansang Pilipinas.