Niyanig ng magnitude 2.9 na lindol ang Romblon pasado alas-10 ng umaga ngayong Lunes, January 23.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng Department of Science and Technology, ang sentro ng lindol sa 014 km S 11° W ng Concepcion, Romblon kaninang 10:25 ng umaga.
Naramdaman ang pagyanig sa mga kalapit bayan nito, gayun na rin sa Santa Maria at Odiongan sa Tablas Island.
ADVERTISEMENT
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang aftershocks at damage ang nasabing pagyanig.