Pinulong nitong nakaraang Biyernes, January 20, ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ang mga fish vendors at merchants sa buong bayan ng Odiongan para alamin kung bakit nga ba lumulubo ang presyo ng mga tindang isda sa Odiongan lalo na sa Odiongan Public Market.
Ayon kay Mayor Fabic, lumabas na may mga bagay na kailangang tuunan ng pansin para unti-unting bumaba ang presyo ng isda.
Isa rito ay ang supply ng isda, karamihan umano kasi sa mga isdang ibinebenta sa Odiongan Public Market ay galing pa sa ibang bayan kaya mas nagmamahal pa dahil sa transportation charges at ang pagpasa-pasa sa mga vendors.
Ikalawa naman ay ang kakulangan ng kapital ng mga fish vendors. Ang ilan umano sa kanila ay nanghihiram pa sa mga tinatawag nilang ‘5-6’ na kung saan matataas ang interes kaya naapektuhan ang presyo ng isda.
Ikatlo naman ay dapat umanong dagdagan ang suporta sa mga mangingisda.
Ayon kay Mayor Fabic, kailangan rin umanong paigtingin ang inland fishing o pagpalaki ng tilapia, bangus at iba pasa mga fishponds na sakop ng munisipyo ng Odiongan.
Napag-usapan rin nitong Biyernes ang balak ng munisipyo ng Odiongan na magtayo ng fishport sa Barangay Batiano.