Sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ni Judge Ramiro Geronimo ng Regional Trial Court Branch 82, naaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. si Erwin Selodio, wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 8294 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
Naaresto si Selodio, 35, nitong hapon ng January 07 sa kanyang bahay sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.
Si Selodio ay nakuhaan ng mga awtoridad noong April 2016 ng isang baril at ilang drug paraphernalia sa kanyang bahay.
Nakuha ng grupo ang baril sa ilalim ng higaan ni Selodio at ang ilang drug paraphernalia naman katulad ng foils, sachets, at lighters na nakuha naman basurahan.
Nakakulong na ngayon si Selodio sa Odiongan Municipal Police Station.
Maaring makapag pyansa si Selodio kapag nagbayad ito ng P60,000 sa korte.