Sa kulungan na nag bagong taon ang apat na naaresto sa isang buy bust operation na kinasa ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Romblon Provincial Police Office sa pangunguna ni Police Chief Inspector Romulos Gadaoni sa direktiba ni Police Senior Supt. Leo Quevedo nitong December 31 ng madaling araw. Kasama rin as operasyon ang mga tauhan ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4B, RPPSC at Criminal Investigation and Detection Group 4B.
Kasamang naaresto sa operasyon ang Top #1 High Value Target ng probinsya ng kapulisan sa buong probinsya ng Romblon na si Kag. Mariju Calvo Y Ocampo, 42 years old, at Barangay Kagawad ng Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon.
Nakuha sa kanila ang pitong (7) sachet na may lamang pinaghihinilaang shabu, drug paraphernalia, at buy-bust marked money.
Kasamang naaresto ng kapulisan ang magkapatid na sina Dodge Alojado, 32 years old; at Aubreylance Alojado, 22 years old; at isang Aljeron Buenaventura, 21 years old, residente ng 1775 Champaca St. Brgy 177, Camarin, Caloocan City.
Nakakulong na ang apat at kinasuhan na ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.