Trahedya ang inabot ng ilang dadalo sana sa isang kasalan sa Oriental Mindoro matapos na maaksidente ang jeep na maghahatid sana sa 37 pasahero sa Sitio Simborio, Barangay Banilad, Pinamalayan, Oriental Mindoro nitong January 11 ng umaga.
Binabgtas umano ng jeep na may plate number VVC2014 na minamaneho ni Dennis Bacsa Torio, 34yold, ang kahabaan ng provincial road nawalan umano ito ng prino habang bumababa sa mataas na bahagi ng Sitio Simborio.
Sinubukan ni Torio iliko ang asasakyan para hindi mahulog sa bangin ngunit hindi kinaya ng driver kaya sumalpok sila sa may puno ng niyog.
Tumilapon ang ilang sakay ng jeep na nakasakay sa taas kasama ang estudyanteng si Carlo Ferranculo na agad na binawian ng buhay.
Dinala naman sa ospital ang ibang sakay ng jeep kasama sina Enrique Reano Mercado at Ryan Paul Fabregas Famisan na malubha ang lagay ngayon sa Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Calapan City.
Ayon sa Regional Police Information Office, dinakip ng mga tauhan ng Pinamalayan Municipal Police Station ang driver na si Dennis Torio, at nakatakdang kasuhan ng Reckless Imprudence resulting to homicide and multiple serious physical injuries.