Bumaba ng halos 64% ang kaso ng firecracker incident sa buong MIMAROPA Region, ayon sa Police Regional Office MIMAROPA.
Ayon kay Police Supt. Imelda Tolentino, nakapagtala lamang ang kaniang opisina ng 5 firecracker incident, 2 stray bullet victim, at 1 illegal discarge of firearm incidents.
Dinakip naman ang tatlong miyembro ng 514th Engineer Construction Battalion, 51 st Engineer Brigade ng Philippine Army matapos magpaputok ng baril nitong January 01.
Dalawa ang tinamaan ng ligaw na bala na sina Raymar Vilalnueva, 27-years old; at Geofre Famisaran, 28-years old; pawang mga residente ng Barangay Roma, Mansalay, Oriental Mindoro.
Agad naman isinugod ang dalawa sa Roxas District Hospital upang gamutin.
Ang pagbaba ng kaso ng firecracker incident ay dahil umano sa pagiging vigilante ng mga kapulisan sa pagsuporta sa kampanya para iwasan ang mga iligal na paputok.
Ipinagutos na rin ni Police Chief Supt. Wilven Mayor, Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA sa mga provincial at city directors na i-encourage ang publiko na mag-upload sa social media ng mga photos o videos ng mga taong gumagamit ng baril nitong New Year’s Eve.