Anim na junior college students ng Romblon State University ang mga bagong iskolar ng Department of Science and Technology -Science Education Institute (DOST-SEI) dahil sa pagkakapasa ng mga ito sa Junior Level Science Scholarship (JLSS) Qualifying Examination na ginanap noong Oktubre 16, 2016.
Ang mga matatalinong 3rd year college student na pumasa sa JLSS program ng DOST-SEI ay pawang mag-aaral ng Romblon State University na kinabibilanagan nina: Candy Mae Paz Falculan, Dairon Brylle G. Familaran, Vincent Wade G. Ferranco, Miko Anselmo A. Gallon, Mary Mae C. Rugas and Genand E. Umban.
Pinatunayan ng anim na estudyanteng ito ang kanilang husay sa larangan ng Siyensa at Teknolohiya.
Ang mga mapapalad na estudyante ay makalatanggap ng P10,000 pang-matrikula at iba pang bayarin sa paaralan sa bawat semester o P8,000 para sa trimestral term, book allowance, monthly stipend, clothing allowance, transportation allowance at health insurance.
Ayon kay Engr. Bilshan F. Servañez, assistant regional director ng DOST 4B, ang mga mapapalad at matatalinong estudyante ay muling nagbigay ng karangalan sa lalawigan at maging sa Romblon State University dahil nakapagtala ito ng pinakamataas na porsiyento ng nakapasa sa buong Mimaropa.
Pinayuhan din nito ang mga pumasa na antayin ang notisya (notice) mula sa tanggapan ng DOST kung kailan itatakda ang eskedyul ng oryentasyon.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)