Netong mga nagdaang araw, usap usapan ang pagbigay ng titulong bayani kay dating Pangulong Marcos. Hati ang pananaw ng bawat isa. Maraming mga kabataan ang nakibahagi sa mga kilos protesta at tunay nga ang kasabihang “ang kabataan ang pag asa ng bayan”. Saludo ako sa mga kabataang nakikipaglaban para mabigyan ng boses ang mga nabiktima ng Batas Militar. Sa mga nasabing kilos protesta, nakaagaw pansin sa akin ang larawan ng isang babaeng may hawak na poster na may mensahing “No to Marcos, Yes to Empanada”.
Turismo ng Ilocos Region
Ang mga probinsya sa Ilocos Region ay isa sa mga paboritong dayuhin ng mga lokal at maging banyagang turista dahil sa yaman nito sa historical sites gaya ng Heritage Village o Calle Crisologo, Sta. Maria Church at Paoay Church na tatlo lamang sa sampung napabibilang na UNESCO World Heritage Sites sa bansa. Bukod sa mayamang kasaysayan ng lugar, bantog din ang Ilocos bilang tahanan ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos. Base sa datos, ang mga probinsya ng Ilocos Norte pa lamang ay nakapagtala ng 1.6 tourists arrival noong nakaraang taon. Ilan sa iba pang paboritong dayuhin ang Pagudpod, ang pinong buhangin ng Paoay Sand Dunes, ang mga kilalang museo gaya ng Crisologo, Burgos, Malacanang ti Amianan at maging ang Pagburnayan.
Empanada, susi ng turismo
Hindi mabubuo ang iyong pagpunta sa Ilocos kung hindi mo matitikman ang kanilang masasarap na pagkain gaya ng pakbet, bagnet, longganisa, chichacorn, sukang Iloco, makapag uwi ng Alabel at bawang, at ang bagong kinagigiliwan ng mga turista, ang pudding. Ngunit kung isa ka sa mga napadaan sa Batac City, na bayang kinalakihan ng dating pangulo, sigurado akong nasarapan ka sa kanilang espesyal empanada. Ang empanada ng Ilocos ay may lamang longganisa, itlog at gulay. Masasabing naging atraksyon ito ng lugar. Maraming nagsilabasang empanada sa Maynila ngunit iba ang lasa kung ito ay gawa ng mga taga lokal ng Batac. Maalaki ang naging ambag ng empanada sa Batac gaya ng pagkakaroon ng sapat na pagkakitaan para sa mga lokal at naging isa sa mga simbolo ng kanilang turismo.
Ang Batac ay kilala dahil dito ipinanganak sina Greogorio Aglipay at Artemio Ricarte at ito rin ang ang bayang kinalikhan ng dating Pangulong Marcos. Dito rin matatagpuan ang Marcos Mausoleum at Museum na kung saan nakahimlay ang kanyang mga labi. Dahil dito regular na itong dinarayo ng mga turista. Kamailan lamang ay naalis ang titulo na City sa Batac ngunit matapos ang ilang taon ay naibalik itong muli. Ang dahilan ng nasabing pagkilala ay ang pagkakaroon ng sapat na infrastructure facilities at pagtaas ng bilang ng populasyon ng lugar.
Ang Mausoleum at empanada
Ilang linggo ang nakalipas simula ng nailipat sa Libingan ng mga Bayani ang labi ng dating Pangulo, may mga nagsasabing bumamaba ang bilang ng mga turistang nagkakainteres na bumisita sa Batac. Isa itong malaking hamon para sa lokal na pamahalaan paano maibalik ang dating sigla ng turismo. Maswerte ang mga kabataang nakapasyal noon at nasilayan ang dating Pangulo. Sa loob ng mausoleum ay makikita ang replikang katawan ng dating Pangulo at sinasabing ang totoong katawan ay nasa ilalim. Ang mausoleum at museum ay nanatiling bukas parin sa publiko hanggang ngayon ngunit hindi mo masisilayan ang totoong halaga ng iyong pagbisita.
Dapat bang ilipat ang labi ng dating Pangulong Marcos sa LNMB? Karapat dapat ba syang tawaging bayani? Ang empanda ba ang syang maging bagong mukha ng Batac at ng Ilocos Norte? Ang sagot ay nasa kamay ng kabataan.
Larawan ay orihinal na iginuhit ni Mr. James Quines. Para sa inyong komento, mag email sa zandee.briones@ue.edu.ph