Naghahanda na ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDDRMC) ng bayan ng Santa Maria, Romblon sa maaring paglapit ng bagyong Nina sa lalawigan ngayong paparating na pasko.
Kanina, nagsagawa sila ng inventory sa mga search and rescue equipment na nakatago sa opisina ng MDRRMC sa bayan.
Tiniyak ng awtoridad na sapat ang kanilang mga gamit ngayong may nakaambang bagyo na lalapit sa lalawigan.
Ayon kay Mrs. Jelly Cesar, MDRRM Officer ng bayan, sapat ang mga gamit ng kanilang opisina sa maaring gagawing rescue operation kung sakaling may mga kailangang ilikas na kanilang nasasakupan.
Pinag-iingat niya rin ang mga residenteng nasa landslide at flood prone area sa maaring mangyari dahil sa bagyo.
Sa ngayon, patuloy ang kanilang pag monitor sa galaw ni Nina.