Nakakaranas na ng pabugso-bugsong pag-ulan at malakas na ihip na hangin ang mga bayan sa silangang bahagi ng lalawigan ng Romblon.
Sa bayan ng Calatrava, nakakaranas na ang matataas na alon sa dalampasigan.
Patuloy naman ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, gayun na rin ang lokal na pamahalaan ng Calatrava sa kundisyon ng panahon sa lugar.
Inaasahang ang mga nasa silangang bahagi ng lalawigan ang higit na makakaranas ng epekto ng bagyo dahil mas malapit ito sa inaasahang daanan ng sentro ng bagyo.