Mas lumakas at patuloy na lumalapit ang bagyong #NinaPH sa kalupaan ng Pilipinas. Dahil dito, itinaas na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang tropical cyclone warning signal #2 sa lalawigan ng Romblon kaninag alas-8 ng umaga.
Ilan pang lugar na nasa TCWS #2 ay ang mga probinsya ng Masbate including Ticao Island, Sorsogon, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, rest of Quezon including Polillo Island, Marinduque, at Northern Samar.
TCWS #1 naman sa Metro Manila, Rizal, Bataan, Occidental Mindoro including Lubang Island, Nueva Ecija, Aurora, Southern Quirino, Southern Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bulacan,Tarlac at Cavite sa Luzon habanag Aklan, Capiz, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte at Bantayan Island sa Visayas.
TCWS #3 naman sa Burias Islands, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, southern Quezon.
Sa lugar naman ng Catanduanes ay nakataas ang TCWS #4.
Huling namataan ang bagyong #NinaPH sa layong 150 km East of Virac, Catanduanes. Taglay nito ang lakas na 185 kph at may bugsong 255 kph. Gumagalaw ito patungong west sa bilis na 15 kph.