Siyento porsyento ng tapos ang bagong gusali ng Romblon District Hospital (RDH) sa bayan ng Romblon kung saan inaasahang mapapasinayaan na ngayong Disyembre 2016.
Ang proyektong ito ay pinondohan ng P38,567,224.80 mula sa Department of Health-Health Facilities Enhancement Program (DOH-HFEP).
Ang tatlong palapag na gusali ay inaasahang makakapag-bibigay ng magagandang serbisyong medikal para sa mga taga-Romblon, Romblon at maging sa mga karatig na island municipality nito gaya ng Sibuyan, Corcuera at Banton.
Ang bagong gusali ng RDH ay planong paglagyan ng mga bagong pasilidad gaya ng X-ray, CT scan, labor and delivery room, operation rooms, Neonatal Intensive Care rooms, patient wards at private rooms.
Ang nasabing gusali ay makakatulong para mapunan ang kakulangan sa patuloy na pagdami ng populasyon ng Romblon at kaya na nitong mad-accommodate ng mas maraming pasyente.