Nagdaos ng community caravan ang pamunuan ng Department of Education – Romblon sa bayan ng Alcantara kaninang umaga, December 13 sa pangunguna ni ASDS Rufino Fos.
Target ng programang ito ng DepEd na tuldukan ang lumulobong bilang ng out-of-school youths, children and matatanda sa nasabing bayan.
Ang programang ito may temang “Let’s Zero-out”.
Nilahukan ang nasabing programa ng mga ALS Learners kasama ang kanilang mga magulang, implementors, volunteers, BLGU’s at pati na rin mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD.
Pinaunlakan din nina Mayor Eddie Lota, Dist. Supt. Julius Faa, SBM Butchoy Arevalo ng Odiongan na naging ALS Champion noon,
Nagbigay kulang rin sa kahulugan ng ALS sa nasabing programa ang pagkwento ng buhay at patotoo ng dalawang passers na matagumpay na sa buhay ngayon tulad na lang ni Mr. Sagrado Magallanes. Maraming naantig sa kanyang talumpati at nasiyahan sa kayang mga sinabi.