Muling nakapagtala ng mataas na rating sa katatapos lang na Criminologist Licensure Examination nitong October 2016 ang Romblon State University Main Campus.
Sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong December 07, nagtala ang Romblon State University ng 60.97% passing rate o 50 out of 82 sa mga graduate nito ang pumasa sa pagsusulit.
Ang Erhard Systems Technological Institute (ESTI) naman ay nakapagtala ng 8.70% passing rate o 6 lamang ng 69 graduates ang nakapasa sa nasabing Licensure Examination.
Sa pangkalahatan, aabot sa 10,901 lamang na kumuha sa mga lugar ng Manila, Baguio, Bacolod, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Mindoro, Pagadian, Palawan, Pangasinan, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga ang nakapasa.
Ang nasabing board examination ay binigay nina Hon. Ramil G. Gabao, Chairman; Hon. George O. Fernandez and Hon. Ruben A. Sta. Teresa, Members.
Para sa resulta narito ang mga links ng PRC: