Masayang ipinagdiwang sa bayan ng San Agustin, Tablas Island, Romblon ang ika-24 selebrasyon ng Municipal Children’s Month sa bayan.
Dinaluhan ito ng mga daycare student ng iba’t ibang barangay.
Panauhing pandangal sa nasabing selebrasyon si Hon. Mayor Esteban Madrona na nagbigay ng kaunting mensahe sa mga bata.
“child is an uncut diamond wherein to be in the children’s memories tomorrow, we need to be in their lives today and if we can improve memory for brain-damaged children even a little bit, we will have contributed significantly to their future,” ayon sa alkalde.
Sa maikling programa, nagkaroon ng pa-contest ang organizers ng event na kung saan naglaban-laban ang mga bata sa pag-kanta, pag-tula, pag-drawing, at sa pagkulay.
Ang programa ngayong taon ay may temang ‘Isulong kalidad na edukasyon para sa mga bata’.