Gaano nga ba kalaki ang halaga ng modernisasyon ng military at iba pang sangay ng pamahalaan sa isang bansang kagaya ng Pilipinas? May mga schools of thought hinggil dito.
At tila nagpipingkian ang posisyon ng magkasunod na administrasyon sa pagsasamoderno ng opisyal na kagamitan ng ating mga sundalo at iba pang unipormado.
Ang modernisasyon ng militar at polisya ay pinupondohan ng mga pinagbentahan ng mga dating kampo at base militar na minsang inuukopa ng mga Amerikano-halimbawa na ang Camp John Hay, ang BGC sa Taguig at ang Clark at Subic Port sa Olongapo.
Ito ang naging flagship initiative ng administrasyon ni FVR, napag-iwanan noong panahon ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada at lalong nag-hang noong panahon ni Gloria dahil sa pagkiling nito sa Tsina.
Mag-zoom in tayo sa pangasiwaan ni dating Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino-dito napalapit ng husto ang dating pangulo hanggang sa maliliit na sundalo. Binuhusan ng pondo ang modernisasyon at ayon nga kay FVR, nagpole-vault ang military modernization sa panahong ito.
Bago nga magtapos ang termino ni PNoy, nasaksihan natin ang pag-escort ng dalawang F-50 fighter jets na may bandilanng Pilipinas sa presidentil aircraft na nagmula noon sa Official Trip ng pangulo sa Estados Unidos.
Ilang barko de gyera at trainer jets na ang naturn-over sa bansa mula sa South Korea at US bilang bahagi ng excess equipment transfer program ng ating mga kaalyado.
Libu-libong mga pulis din ang nalampasan ang pangungutya bilang mga “pulis-patola” dahil sa Glock 9mm pistols na naiturn-over sa PNP, maliban pa sa mg patrol cars na ipinamahagi sa iba’t ibang police units sa buong bansa.
Ngayong bago ang pamunuan at vocal ang pangulo sa major policy shift na nakabase sa “independent foreign policy” bilang pagtalima sa Konstitusyon, may nararamdamang uncertainty at kawalang kasiguruhan sa direksyon ng modernisasyon ng militar at pulisya.
Kailan lamang, kinansela na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang procurement ng Sig Sauer assault rifles mula sa US matapos verbal na magkairingan sa usapin ng karapatang pantao.
Nagbigay na ng kanyang pananaw si FVR tungkol dito-ayon sa dating pangulo, malaki ang papel na ginagampanan ng compatibility sa armas at military doctrine ng magkaalyadong bansa.
Hindi nga naman biro ang adjustment na gagawin kapag armas mula sa Rusya at Tsina ang ipapalit sa 27 libong mga assault rifles na dapat ay binili ng Pilipinas sa US.
Ganun din ang dapat isaalang-alang sa iba pang military hardware na saklaw ng modernization program ng dalawang armadong sangay ng pamahalaan.
Gaanon nga ba kahalaga ang modernisasyon? Noong nagdaang linggo lamang, isang SOKOL Aircraft ng Philippine Airforce ang bumagsak bandang alas-3 ng hapon sa isang palayan sa Sitio Sabang, Brgy. Cabayugan, Puerto Princesa City, Palawan.
Sakay ng helicopter ang matataas na opisyal ng Regional Office ng Philippine National Police kasama ang Romblomanon former PNP spokesperson si Chief Supt. Wilben Mayor, na siya ngayong Regional Director ng PNP MIMAROPA.
Dahil ang Pilipinas ay isang archipelagic country, kinakailangan nito ng mobility o mabilisang paglilipat ng tauhan, kagamitan at iba pang logistical requirements sa mabilisang paraan. Hindi lamang ito totoo sa panahon ng giyera o military operations kundi sa panahon ng kalamidad.
Alalahanin nating karaniwang magigit 20 bagyo ang dumadalaw sa atin taun-taon at ang paglindol ay regular nang pangyayari sa atin dahil nasa Pacific Ring of Fire tayo- ito ang mga rason kung bakit hindi matatawaran ang halaga ng makabagong makinarya at kagamitan sa ating mga first responders, kabilang na ang militar at kapulisan. Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko pero mas madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)