Tatlong barangay sa bayan ng San Agustin sa Tablas Island, Romblon ang idineklarang drug-free barangay ng Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon, November 22.
Ang mga Barangay ng Binongu-an, Lusong, at Buli ang nakapasa sa mga requirments ng DILG para ituring na drug-free ang isang barangay.
Pinangunahan ni Mayor Denon Madrona, Municipal Anti Drug Abuse Council President ng San Agustin, ang pag-award ng certificate para sa mga nabanggit na barangay.
Dumalo rin sa awarding ang sina Mrs. Divina Solidu, MLGOO, at miyembro ng BADAC at MADAC ng munisipyo.
Ayon sa San Agustin Municipal Police Station, bahagi ito ng intensified program ng Philippine National Police para labanan ang kriminalidad at sugpuin ang droga sa buong bansa.