Nagsimula ng ulanin ang lalawigan ng Romblon bandang alas-10 ng umaga ngayong araw dahil sa paglapit ng bagyong #MarcePH.
Sa bayan ng Odiongan, ilang mga kalsada ang umapaw sa kasagsagan ng pag-uulan. Ilang mga empleyado rin ng gobyerno ang nag-silong muna dahil sa malakas na ulan.
Ilang mga estudyante rin ng Romblon State University Main Campus ang pinilit nalang nag maglakad sa gitna ng ulan dala ang kanilang mga payong.
Nakakaranas naman ng brownout ang ilang bayan sa Southern Part ng Romblon, ito ay ang mga bayan ng Sta. Fe, Alcantara, at Santa Maria.
Ayon kay Engr. Tony Sarzona ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nakapaghanda na ang mga MDRRMC sa southern part ng Romblon para sa paglapit ng bagyong #MarcePH.
Passable pa naman ang lahat ng kalsada sa buong probinsya at wala pa namang naiuulat na lugar na binabaha.