Isang pawikan ang nailigtas ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station sa San Fernando, Sibuyan Island, Romblon nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa San Fernando Police, nakatanggap umano sila ng tip galing sa isang concerned citizen na may isang mangingisda sa Barangay Pili ng nasabing bayan ang nakahuli ng isang green sea turtle o pawikan.
Sa simula, tumanggi pa ang nakahuling mangingisda na pakawalan ang aabot sa dalawang pulgadang pawikan ngunit na papayag rin ng mga tauhan ng PNP na pakawalan ito.
Sa pangungunan ni PO3 Roque Altobano Jr, pinakawalan ng grupo ang nasabing pawikan sa baybayin ng San Fernando matapos tingnan kung may sugat ito.
Agad namang nagpaalala ang mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station na huwag manghuli ng mga endangered species at sea turtle sa lugar nila bilang tulong na rin sa kalikasan.