Batay sa inilabas na memo ni PSSupt. Leo E. Quevedo, bagong provincial director ng PNP Romblon, bago pahintulutang mag-leave sa trabaho ang sinumang kawani ng Romblon Police Provincial Office (RPPO) ay kinakailangan muna nyang magtanim na puno o anumang uri ng gulay.
Magsisilbing passes nila ito para aprubahan o pahintulutan ang kanilang isusumiting leave of absence sa Romblon PPO na naglalayong buhayin ang programang “Pulis Makakalikasan: 10 Milyong Puno, Pamana sa Kinabukasan.”
Ang hakbang na ito ng bagong pinuno ng RPPO ay pagsuporta sa National Greening Program (NGP) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung kaya’t kanyang inaatasan ang bawat pulis na ibig magpa-file ng leave na kinakailangang magtanim muna ito ng limang puno o gulay.
Bukod umano sa pagpapanatili ng PNP sa katahimikan at kaayusan ng komunidad ay mahalaga rin na magampanan ng kapulisan ang pagtulong sa kalikasan lalo na sa nakakalbong kabundukan.