Ang Department of Labor and Employment (DOLE)-Romblon ay nagsagawa ng orientation sa mga sumukong sangkot sa iligal na droga sa bayan ng Cajidiocan para sa ‘work for a cash program’ na ibibigay sa mga ito.
Ayon kay Alpha Ramirez ng DOLE Romblon, ang mga surrenderee ay magtatrabaho ng 10 araw at tatanggap ng arawang sahod na P265 mula sa pondo ng DOLE.
Sa ganitong paraan aniya ay mayroon silang mapagkukunan ng income upang hindi na bumalik sa ilegal na gawain.
Sila ay tutulong sa pagsasaayos ng communal garden sa compound ng Cajidiocan Municipal Police Station kung saan sila ay magtatanim ng mga gulay at ang mga aanihing bunga nito ay sila rin mismo ang makikinabang.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ng mga kawani ng Cajidiocan MPS sa pangunguna ni PInsp. Edwin A. Bautista at ilang opisyal ng pamahalaang bayan.