Pinawalang-sala ng Sandiganbayan Third Divison ang kasalukuyang Mayor ng Looc, Romblon na si Mayor leila Arboleda at ang kasama niya kaugnay sa graft case na isinampa sa kanila kaugnay sa maanumalyang P20 million expansion ng Looc Water Supply System.
Si Mayor Arboleda at si Ariel T. Lim, presidente ng Atlantic Erectors Inc. ay kinasuhan ng violation of Section 3 (e) ng Republic Act 3019, o mas kilalang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon sa Office of the Ombudsman (OMB), si Arboleda umano ay hindi nasunod ang bidding process matapos na hindi ipublish sa local newspaper ang invitation to bid.
“She also failed to constitute a Bids and Awards Committee, therefore depriving the local government the opportunity to avail of the lowest possible bidder.” ayon din sa report ng Manila Bulletin.
Ang nasabing proyekto ay umabot ng P20,478,407.07.
Ayon sa desisyon na nilabas ng Sandiganbayan na pinirmahan nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, Associate Justices Sarah Jane Fernandez at Samuel Maritres, and dalawa ay pinawalang-sala dahil hindi napatunayan ng prosecution na sila ay guilty sa kaso.