Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Kabisayaan, Mindanao at sa mga rehiyon ng Kabikulan, MIMAROPA at CALABARZON. Maulap na kalangitan na may mahinang mga pag-ulan ang iiral sa Kamaynilaan at sa natitirang bahagi ng Luzon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral naman sa Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon ayon sa Southern Luzon PAGASA Regional Services Division (SLPRSD).
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral at ang mga baybaying dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.
Patuloy naman na binabantayan ng PAGASA ang dalawang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility.