Sinimulan na ng Land Transportation Office (LTO)-Romblon ngayong Nobyembre ang pagpoproseso ng limang taong validity ng driver’s license para sa non-professional at professional driver’s license.
Ayon sa pamunuan ng LTO Romblon District Office na layunin ng kanilang ahensiya na mabigyan ng convenience ang mga motorista sa pagkuha ng kanilang lisensiya.
Nilinaw ng LTO Romblon na mula tatlong taong validity ng driver’s license ay gagawin ng limang taon kaya may kaakibat din itong dagdag na bayarin sa renewals ng lisensiya.
Aabutin aniya ng mahigit P100 ang magiging dagdag na bayarin ng isang motorista sa kanilang driver’s license renewals.
Bukas ito para sa lahat ng non-professional at professional license holders kahit na may record ng pagkahuli, maaari pa rin silang kumuha o mag-renew ng limang taong validity ng lisensiya sa pagmamaneho.