Isang SOKOL Aircraft ng Philippine Airforce na may number na 926 ang bumagsak bandang alas-3 ng hapon sa isang palayan sa Sitio Sabang, Brgy. Cabayugan, Puerto Princesa City, Palawan. Minamaneho ito nina 1Lt. Gino Solano at Maj. Mechael Yraola ng Philippine Airforce.
Sakay ng helicopter ang matataas na opisyal ng Regional Office ng Philippine National Police sa MIMAROPA kasama si Chief Supt. Wilben Mayor, Regional Director ng PNP at si Chief Supt. Camilo Cascolan, operations head ng PNP.
Ilan pa sa kasama ni Mayor ay sina Chief Supt. Amador Corpus, secretary to the Directorial Staff; Chief Supt. Nestor Bergonia, Deputy Director for Operations ng PNP; Senior Supt. Renato Angara, Deputy Regional Director for Administration; Senior Inspector John Dalida, Aid Camp of Chief Supt. Cascolan; Senior Inspector Ronnie Simpao, Aide-Camp of RD Mayor; Col. Jesus Marciano Guevarra ng Philippine Airforce; Sgt. Dunhill Guanzon at AIC Mark Phol Masangkay.
Ayon sa report ng RPIO MIMAROPA, ang grupo ay nagsasagawa ng aerial survey sa lugar ng mangyari ang crash landing.
Ligtas naman ang mga sakay nito ngunit nagtamo ng minor injury sina Major Yraola at Chief Supt. Bergonia.
Dinala na ang mga sakay ng helicopter sa Camp General Artemio Station Hospital para gamutin at para sa check-ups.