Sabay na nilagdaan nina Governor Eduardo Firmalo ng Romblon at Governor Alfonso Umali Jr. ng Oriental Mindoro, ang isang declaration of commitment ng dalawang probisnya nitong November 22 sa isang resort/hotel sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ang nasabing agreement ay bunga ng halos ilang linggong paguusap ng dalawang probinsya para makabuo ng mga plano para sa pag-pursue sa sustainable economic growth ng lalawigan ng Romblon at Oriental Mindoro.
Kasamang lumagda sa nasabing kasunduan ang chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa lalawigan ng Romblon at Oriental Mindoro na sina Mr. Jimmy tan at Mr. Gerardo Concepcion.
Ayon kay Governor Alfonso Umali ng makapanayam ng Romblon News Network, malaki ang tiwala ng Oriental Mindoro sa lalawigan ng Romblon lalo na ngayon at meron umanong agreement ang dalawa.
“Gusto naming mas pagandahin ang MIMAROPA, wala dapat maiiwan.” ayon kay Governor Umali.
Narito ang kasunduan na pinirmahan ng dalawang probinsya: