Inilunsad nitong October 25 sa bayan ng Magdiwang, Romblon ang anti-drug project na “DrogaMon Go” ng Police Regional Office 4B.
May tema ang nasabing launching na “Romblon PPO Launching of Droga Mon Go for a ‘Marble – Lous’ Change”.
Dinaluhan ang nasabing launching ng mga staff ng Romblon Police Provincial Office, PCR PNCO’s ng 17 munisipyo ng Romblon, kasama ang mga local government unit ng Sibuyan Island, Barangay Officials, AFP/Reservists, at ilang drug surrenderers.
Sinimulan ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng isang holy mass na ginanap sa Magdiwang Covered Court sa Barangay Poblacion, Magdiwang, Sibuyan Island, Romblon.
Sinundan ang misa ng isang tree planting actiity sa Mt. Guiting-Guiting Natural Park sa Sitio Logdeck, Barangay Tampayan sa parehong bayan na kung saan aabot sa 2,000 na buto ng Narra ang naitanim ng grupo.
Sa huling bahagi ng launching ng DrogaMon Go, nagkaroon ng short program na kung saan tinalakay kung ano ang programang ito.
Ang DrogaMon Go ay isang local version ng project ‘Tokhang’ ng Philippine National Police.
Dito ang mga sumuko sa project tokhang na drug pushers ay sasanayin upang maging speakers para sila nanaman ang mga maka-encourage sa ilan pang users/pushers na hindi parin sumusuko.