Ang Department of Energy (DOE) ay muling nagbigay ng panibagong proyekto na Biomass Gasification Technology sa mga residente ng Bgy. Alad sa bayan ng Romblon.
Ang DOE at Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) Inc. ay nakipagpulong sa mga residente ng Sitio Bagong Silang, Bgy. Alad, Romblon upang ipaliwanag sa mga ito kung paano pailawan ang kanilang kabahayan sa pamamagitan ng Biomass System.
Iprinisinta rin ng mga kinatawan ng DOE sa mga Barangay official ng Alad ang kahalagahan ng proyekto at kung paano matulungang mai-angat ang kalidad ng pamumuhay ng mamamayan.
Ayon sa pamunuan ng Romelco, ang ganitong uri ng pailaw sa mga tahanan ay malaking tulong upang magliwanag ang buong kabahayan lalo na sa gabi at hindi na rin mahihirapan ang mga bata sa kanilang pag-aaral ng leksiyon.