Suspendido na ang biyahe ng ang paglalayag ng lahat ng sasakyang pandagat kasama ang mga maliliit na bangka at mga barko papasok at palabas ng probinsya ng Romblon ngayong araw, November 24.
Ayon sa announcement ng mga Shipping Lines, dahil umano ito sa bagyong #MarcePH.
Base sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, nakataas parin ang signal #1 sa lalawigan ng Romblon kaninang 11am.
Sa Poctoy Port sa Odiongan, Romblon; aabot sa 143 katao na pasahero ng 2Go Travel na patungong Batangas ang stranded dahil parin sa bagyo. Aabot naman sa 31 rolling cargos ang stranded rin sa pantalan.