Nagbabala ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Romblon sa mga mamamayan kaugnay sa paggamit ng mga Christmas decorations partikular ang christmas lights na posible umanong maging sanhi ng sunog at banta sa kaligtasan ng publiko.
Sinabi ni SFO4 Rizal M. Mindoro na dapat iwasan ng publiko ang paggamit ng substandard na mga christmas lights dahil posible umanong magdulot ng electric shock, sunog at chemical exposure ang mga mumurahing Christmas lights.
Aniya, madalas na pinagmumulan ito ng sunog kaya’t importante na maging mapanuri ang mamamayan.
May mga koordinasyon ding ginagawa ang tanggapan ng BFP sa iba pang konsernadong ahensiya para matukoy at mahuli ang mga nagbebenta ng mga substandard na produkto.
Sa kasalukuyan, wala pa naman umanong naitatalang sunog sa lalawiagn na dahilan ng depektibong Christmas lights.
Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pagbibigay ng safety tips ng mga taga-BFP sa iba’t-ibang eskwelahan at mga barangay para maiwasan ang posibleng pagsiklab ng sunog.