Tatlong parangal ang nakamit ng bayan ng Romblon sa katatapos lamang na 2016 Regional Nutrition Awarding Ceremony na ginanap sa The Heritage Hotel sa lungsod ng Pasay kahapon.
Ang bayan ng Romblon ay tinanghal na 2015 Municipal nutrition Green Banner Awardee at 2015 Most Outstanding Municipality in the Province dahil sa pagiging most outstanding implementer nito sa mga programang pang-nutrisiyon .
Ayon sa Regional Nutrition Evaluation Team (RNET), ang regional outstanding nutrition program implementer at Green Banner award ay iginagawad sa bayan, lungsod o lalawigan na may outstanding performance o natatanging pagsasakatuparan ng local nutrition action plan.
Tinanghal ding 2015 Outstanding Municipal Nutrition Action Officer (MNAO) si Antonia M. Moaje ng Romblon, Romblon kung saan siya ay napabilang sa mga finalist para Regional Outstanding Municipal Nutrition Action Officer.
Personal na dumalo sina Mayor Mariano M. Mateo at Antonia M. Moaje sa awarding ceremony upang tanggapin ang nakamtang parangal ng pamahalaang bayan ng Romblon.