Pinagpaplanuhan na umano ni Sanguniang Panlalawigan member Samuel Romero ang paghahati sa lalawigan ng Romblon sa dalawa.
Ayon kay SP Samuel Romero ng makapanayam ng Romblon News Network nitong October 03 ng hapon, sinabi nitong balak niyang i-propose na gawing dalawa ang lalawigan dito sa Romblon Islands, ito ay ang Occidental at Oriental Romblon Provinces.
Ang Oriental Romblon Province ay bubuoin ng Sibuyan and Romblon Islands habang ang Occidental Romblon Province naman ay bubuoin ng Tablas Island, Tres Islas (Banton, Sibale, at Simara Islands) at ang Carabao Island.
Ang isa umano na nakikita ni SP Romero na dahilan ay ang paglilipat ng mga national agencies sa Odiongan sa Tablas Island.
“Sa ngayon kasi DepEd nalang ang meron sa Romblon, Romblon at baka dumating ang araw lumipat din yan sa Odiongan.” pahayag ni SP Romero.
Pabor umano dito ang mga taga Sibuyan Island at Romblon, Romblon ayon kay SP Romero.
“Now we are currently conducting surveys, ang mga taga Sibuyan pabor sila jan and nobody is opposing it.”
Baka dumating rin umano ang panahon na maging last priority na ang ibang isla dahil nasa Tablas Island na ang sentro ng mga komersyo.
Ayon naman kay Vice Governor Otik Riano, pinaplano palang naman umano ito.
“Kailangan konsultahin natin ang mga kababayan natin jan,” pahayag ng bise gobernador.