Itinaas na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Warning Signal #1 sa lalawigan ng Romblon ngayong gabi.
Nasa Storm Signal Number 1 rin ang lalawigan Albay, Sorsogon, Masbate, kabilang ang Ticao at Burias Island, Quezon kabilang ang Polilio Island, Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino, at Northern Samar.
Signal #2 naman ang Camarines Sur at Camarines Norte, habang Signal #3 ang lalawigan ng Catanduanes.
Huling namataan ang Bagyong #KarenPH sa layong 160km, Silangan Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kph at pagbugsong aabot sa 150 kph; Mabagal din ang kilos nito na 9 kph.
Samantala, itinaas na sa blue alert ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang emergency alert status sa buong rehiyon.