Bilang pakikibahagi sa Rabies Awareness Program ng Administrasyong Duterte, ang local na pamahalaan ng Concepcion ay nagsagawa ngayong araw, ika-6 ng Oktobre, ng maikling programa para dito.
May tema itong “Sama-sama para sa isang Rabies-Free na Pilipinas, Magparehistro at Bakunahan ang Inyong mga Aso”.
Isinagawa ito alinsunod sa kautusan ng National Rabies and Control Committee (NRCC) ng Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry, ng Department of Health (DOH), at ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nilahukan naman ng mga kawani ng Department of Education (DepED), mga pribadong sektor at ng non-government organizations ng bayan.
Ang layunin ng pagdiriwang ay upang i-promote, ipaalam at bigyan ng impormasyon ang mga tao, lalo na sa mga may alagang aso, tungkol sa nakamamatay na rabies. Kasama rin sa isinusulong ng aktibidad ang pagkakaroon ng rabies-free zone hindi lang sa mga probinsya gaya ng Romblon kung hindi ay pati na rin sa buong bansa.
Sa mensaheng ibinigay ni Mayor Medrito Fabreag, Jr., kanyang binigyan-diin ang kahalagahan ng bakuna ng anti-rabies at pag-tag ng mga alagang hayop upang protektahan ang mga tao mula sa sakit, para sa madali-ang pagkakakilanlan ng mga alagang hayop na hindi pa nababakunahan at upang mas masubaybayan ang mga numero ng mga alagang hayop sa bawat barangay.