Muling nakakuha ngayong taon ang probinsya ng Romblon ng Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Tinanggap ang selyo o parangal ni Hon. Eduardo Firmalo, Gobernador ng lalawigan sa ginanap na SGLG awarding ceremony sa Pasay City.
Ang nasabing pagkilala ay para sa katapatan at kahusayan ng provincial government.
Maliban sa probinsya ng Romblon, nakatanggap rin ng Seal of Good Local Governance ngayong taon ang munisipyo ng Romblon.
Ang pagbibigay ng taunang award sa mga local government unit ay bahagi ng pag-alam ng DILG sa mga performance nila sa mga area ng good financial housekeeping, disaster preparedness, social protection, business-friendliness and competitiveness, environmental management, peace and order and public safety.
Sa MIMAROPA Region, nakatanggap rin ng SGLG ang mga probinsya ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, at Palawan.