Hudyat nga ba ng isang malakas na lindol ang pagkakahuli ng mga mangingisda sa isang napakahabang oarfish sa bayan ng Santa Maria, Romblon nitong September?
Nitong September 22, nahuli ng mangingisdang si Iso Manago ang may limang metrong habang oarfish.
Ang oarfish ay isang isda na bahagi ng pamilyang Regalecidae na malimit lamang nakikita ng mga tao dahil sa malalim na bahagi ng dagat ito nakatira.
Siyam na araw pagkatapos na mahuli ang nasabing isda, tumama sa nasabing bayan ang magkasunod na lindol.
December 2009 hanggang December 2010 naman lumabas ang napakaraming oarfish sa Japan bago tumama ang Magnitude 8.8 earthquake sa Chile noong 2010.
Ayon naman sa pananaliksik ng isang grupo ng physicists sa University of Virginia sa USA, nararamdaman umano ng mga hayop sa ilalim ng dagat ang mga pag bangga ng mga bato kahit gaano pa ito kaliit ngunit hindi sa ngayon umano ay hindi pa masasabi na kung talagang kaya ng nasabing isda na maging isang early-warning system para sa mga lindol.
“This is not a way to predict earthquakes,” ayon kay Catherine Dukes.
“It’s just a way to warn that the Earth is moving and something — an earthquake, or a landslide or something else — might follow.” dagdag ni Dukes. – with reports from Ken Tapat