Stranded ang ilang pasahero sa Batangas Port na patungong Romblon at ilan pang lalawigan matapos pagbawalan ng Philippine Coast Guard na maglayag ngayong hapon ang mga barko paalis ng nasabing pantalan.
Ito ay dahil sa nakataas na Tropical Cyclone Warning Signal #1 sa lalawigan ng Batangas dahil sa bagyong Karen.
Maliban sa Batangas, itinaas rin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Warning Signal #1 sa mga lugar ng Albay, Sorsogon, Quezon kasama ang Polillo Island, Aurora, Isabela, Quirino, Laguna, Rizal, Marinduque, Ticao at Burias Island, Masbate, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Cavite, Metro Manila at Northern Samar.
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Warning Signal #2 sa mga lugar ng Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte.
Huling namataan ang bagyong Karen nitong alas-4 ng hapon sa may layong 205km East ng Virac, Catanduanes.
Ang nasabing bagyo ay may lakas na 100kph malapit sa gitna at gustiness na 140 kph. Tumatakbo ito ng 9kph West Northwest.