Ang #KwentongNakakatakot ng Romblon News Network ay bahagi ng pagdiriwang ng panahon ng mga ghost at horror stories. Ang mga kwento sa baba ay base sa mga totoong nangyari sa mga may akda.
Mayo ng 2015 ng umakyat ang isa sa mga reporters ng Romblon News Network sa isang cellsite ng Globe Telecom sa bayan ng Alcantara. Nakasulubong niya ang dalawang batang ito na pinakiusapan niya para makipagpapicture sa kanya bilang souvenir ng kanyang pag-akyat.
Pag-uwi niya, napansin niya sa litrato na may babae pala sa likod na tila nag photobomber sa litrato nila.
Wala naman umanong ibang tao sa lugar na iyon noong panahon na iyon maliban sa kanilang apat kasama ang kumuha ng litrato.
Palaisipan parin hanggang ngayon kung totoong tao ang nasa likod nila o isang elemento na tinatawag nilang engkanto.