Ang Romblon Police Provincial Office ay nagbukas ng isang Poster Making Contest na ang tema ay may kaugnayan sa kampanya laban sa ilegal na droga kung saan nilahukan ito ng mga mag-aaral sa elementarya sa bayan ng Romblon.
Ang paksa ng pa-contest ay “Pagkakaisa para sa Hamon ng Pagbabago, Droga Puksain para sa Bayan na Panalo,” kung saan dito inihalaw ng mga kalahok ang kanilang ginawang poster.
Kabilang sa mga nagsumite ng entry ang mga estudyante ng Romblon National High School, Montfort Academy, mga kabataan ng Barangay II (Poblacion), Romblon, Youths of Agbuyog, Bgy. Capaclan at grupong Cool Guys.
Ayon kay PSupt. Raquel M. Martinez, chief, Police Community Relations ng Romblon PPO, na ang tatangahaling kampeon ay tatanggap ng P7,000, ang ikalawang gantimpala ay P5,000 at ang premyo sa pangatlong pwesto ay P3,000.
Nagpapasalamat si PSupt. Martinez sa mga nakiisa at sumali sa kanilang poster making contest kaugnay ng kampanya kontra droga ng pulisya.
Kanyang hinihikayat ang mga kabataan na isabuhay ang mga magandang nasimulan upang patuloy na maiwaksi ang ipinagbabawal na gamot.
Nakatakdang i-anunsiyo ang mga nanalo sa ika-14 ng Oktubre ng taong kasalukuyan sa covered court ng Romblon public plaza kasabay ng gaganaping “Indak Sayaw Laban sa Droga.”