Dead on arrival sa isang Ospital sa Oriental Mindoro ang isang businessman matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa National Highway sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Joel Seno Loto, 42-taong gulang, isang businessman/contractor at involved sa business na pagbebenta ng mga steel trusses.
Ayon sa kay Inspector Ruel Fronda ng Gloria Municipal Police Station, pinagbabaril si Loto sa National Highway ng Barangay Kawit, Gloria, Oriental Mindoro ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at naka-helmet bandang 10:15 ng umaga ng Lunes.
Tumakbo umano ang mga suspek patungong bayan ng Bansud.
Ayon naman kay Oriental Mindoro Provincial Director Christopher Birung ng makausap ng Romblon News Network, posibling love triangle at robbery ang motibo sa pagpatay kay Loto.
May pagkakakilanlan na rin umano sila sa mga maaring suspek.
Matatandaang nitong October 09, pinagbabaril rin ng riding in tandem ang chairman ng Citizen’s Crime Watch sa MIMAROPA na si Zenaida Luz sa parehong bayan.