Nasungkit ng pamahalaang bayan ng Romblon ang parangal bilang Top One Performing LGU of the National Program for the Municipal Fishing, Vessels and Gears Registration System na iginawad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ang gawad ng parangal ay ginanap kamakailan sa Philippine Coconut Authority Covered Court, Elliptical Road, Diliman, Lungsod ng Quezon.
Tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Romblon ang parangal ng pagkilala bilang isa sa nagungunang munisipyo sa rehiyong MIMAROPA na maayos na nagpatupad ng BoatR Program ng BFAR.
Kaakibat ng pagkilalang ito ang P2 Million Fisheries Livelihood Projects para sa pagsulong ng kabuhayan ng mga rehistradong mangingisda sa Romblon.
Ang parangal ay dinaluhan nina Mayor Mariano M. Mateo at Edgardo M. Molina ng Office of the Municipal Agriculturist upang personal na tanggapin ang parangal mula sa nasabing ahensiya.