May nakalaan ng pondo ang pamahalaan ng probinsya ng Romblon para sa pagsasaayos ng airstip sa Barangay Azagra, San Fernando, Romblon.
Yan ang mga naging pahayag ni Governor Eduardo Firmalo sa programang Mata ng Bayan sa Radyo Natin – Odiongan nitong October 29.
Ayon kay Governor Firmalo, aabot sa P1M ang inilaang pondo nila para airstrip sa Sibuyan Island.
Nakikipag-usap na rin umano ito sa Gobernador ng Palawan na si Gov. Jose Alvarez, para tulungan umano ang probinsya sa pagpapagawa ng airstrip dahil nahihirapan umano ang probisnya sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
“Kasi ang ginagawa ni Gov. Alvarez ay ang bawat isla ay nilalagyan ng Small Airstip.” pahayag ng Gobernador ng Romblon.
Ang pagtatayo ng airstrip sa Sibuyan Island ay makakatulong lalo na sa paglago ng turismo sa lugar.
“So ito, ay hindi natin ginigive-up at Bago matapos ang 3-taon ko, matatapos na yang airstip sa Azagra.” huling pahayag ni Governor Firmalo.