Tatlong beses pa nakaranas ng lindol ang lalawigan ng Romblon nitong madaling araw ng Lunes, October 24. Hiwalay pa ito sa naranasanag lindol malapit sa Banton Island at malapit sa bayan ng Santa Fe sa Tablas Island.
Naitala ang unang epicenter ng lindol sa layong 11km North West ng Corcuera, Romblon. May lakas ang nasabing lindol na magnitude 3.3 na naganap bandang 12:32 ng kanina. May lalim ang nasabing pagyanig na 3km.
Sinundan naman ito ng pagyanig sa 11km South East ng Romblon, Romblon. May lakas naman itong magnitude 2.0 na naganap bandang 12:42 ng umaga. May lalim naman itong aabot sa 138km.
Ang ika’tlong payganig ay naitala sa 26km South West ng ayan ng Looc, Romblon at may lakas itong Magnitude 2.6. Naganap ang pagyanig bandang ala-una ng umaga at may lalim itong 8km.
Wala namang naitalang nasaktan o napinsalang bahay sa mga insidente ng pagyanig.