Naaresto sa pinagsamang pwersa ng Romblon Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Chief Inspector Erwin Garcia at ng Criminal Investigation and Detection Group Romblon ang isang lalaking di umano’y pusher ng shabu sa bayan ng Romblon, Romblon nitong Sabado, August 27.
Kinilala ng kapulisan ang suspek na si Angelito Perez, 30 taong gulang, at residente ng Barangay Bagacay, Romblon, Romblon.
Batay sa spot report ng Romblon Municipal Police Station, inaresto ang suspek matapos positibong mabilhan ng hinihinalang shabu ng isang tauhan ng CIDG-Romblon na nagpanggap na buyyer.
Nakuha sa suspek ang dalawang pakete na may lamang hinihinalang shabu na may street value na aabot sa P21,000, isang laser pointer, at ang P1,000 na marked money na ginamit sa operasyon.
Nakakulong na ang suspek sa Romblon Provincial Jail at nasampahan na rin ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165.