Kasunod ng pagpapasabog sa Davao City nitong nakaraang Biyernes na kumitil sa 14 katao, nagsagawa naman ng simulation exercise (SIMEX) ang mga awtoridad sa bayan ng Ferrol.
Nagsama-sama ang mga tauhan ng Ferrol Municipal Police Station, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, at ang Rural Health Unit ng bayan ng Ferrol sa nasabing aktibidad.
Ang eksina, kunyari may sumabog na bomba sa lugar at dalawa katao ang malubhang sugatan. Agad na rumisponde ang mga rescuers na kabahagi ng MDRRMC habang ang mga pulis naman ay sinecure ang blast site.
Ang mga taga-health unit naman agad na ginamot ang mga sugatan.
Ayon sa press release ng Ferrol Municipal Police Station, ang nasabing aktibidad ay para malaman ang kahandaan at capability ng Ferrol MPS at iba pang ahensya sa kung sakaling mangyari ang ganitong pangyayari.