Upgraded at mas pinaganda pa ang mga laboratory equipment ng Romblon Provincial Hospital (RPH) na matatagpuan sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ibinahagi ni Governor Eduardo Firmalo sa kanyang Facebook page na matagumpay na nakapag-upgrade ng mga facilities at services ang RPH nitong nakaraang araw.
May mga bagong laboratory equipment rin umano ang laboratory na nagkakahalaga ng P7 million to P8 million.
Ilan sa mga equipment na nadagdag ay isang enzyme-linked immunosorbent assay o ELISA machine, Blood Chemistry Analyzer, fully automated Hematology Analyzer, at Electrolyte Analyzer.
Ayon sa source ng Romblon News Network, maaring next month ay may dumating pang ilang equipment katulad ng HbA1c, Coagulation machine at ABG’s.
Ang Romblon Provincial Hospital (RPH) na pinamamahalaan ni Dr. Ben Anatalio ay nagsisilbi sa mahigit 3,000 na mga pasyente kada buwan.