Idineklarang rabies-free zone ng National Rabies Prevention and Control Committee (NRPCC) sa ilalim ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ang dalawang munisipyo sa lalawigan ng Romblon kahapon.
Ang deklarasyon bilang rabies free zone ang bayan ng Romblon at San Jose ay pangungunahan ng NPRCC dahil ang mga ito ay pumasa sa balidasyon at nakapagsumite ng kompletong rekisito kaugnay sa mga programa kontra rabis.
Ang plake ng pagkilala bilang rabies free zone ay gaganapin sa conference room ng Pesticides and Fertilizer Authority Building, Bureau of Animal industry, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City kung saan ang deklarasyon ay itinaon sa pagdiriwang ng World Rabies Day ngayong araw.
Ayon kay Raymund Juvian M. Moratin, OIC-Municipal Agriculturist ng Romblon, ang pagkakadeklara ng mga bayan ng Romblon at San Jose bilang rabies-free municipality dahil mahigit tatlong taon ng walang kaso ng rabies sa dalawang nabanggit na bayan.
Ang bayan ng San Jose at Romblon ang unang dalawang munisipyo sa lalawigan ng Romblon na naideklara bilang rabies free zone.
Inaasahan ang pagdalo ng mga punong bayan, mga Municipal Health Officer at Municipal Agriculturists na kasama sa mga bayan na nadeklarang rabies-free zone.
Ang Office of the Provincial Veterinarian at Office of the Municipal agriculturist ay regular na nagsasagawa ng Dog Registration, Dog Tagging at Dog Vaccination sa iba’t-ibang panig ng lalawigan upang madagdagan pa ang bilang ng mga munisipyo na maidideklarang rabies free area.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)