Ang Department of Trade and Industry ay nagsagawa ng Provincial Consyumer Quiz Bee sa Mabini National High School noong Setyember 20, 2016. Ito ay dinaluhan ng 18 pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan. Ang tema ngayong taon ay ‘Consumer Protection: A Shared Responsibility’
Ang mga itinanghal na panalo ay ang mga sumusunod: Champion – Alvin Fajiculay ng Corcuera National High School, 1st Runner-up Kierby Royce Falcunitin ng Mabini National High School at 2nd Runner-Up –Keana Pastor ng Looc National High School.
Ang mga tumayong hurado sa nasabing tagisan ng talino ay sina DepEd representative Mr. Rudy Fallurin : Principal ng Mangansag Elementary School, DTI Provincial Director Mr. Orville F. Mallorca at Consumer Welfare Division Officer in Charge Ms. Gina M. Maaño.
Hinikayat ni PD Mallorca ang lahat lalo na ang mga kabataang maging maingat at responsableng mamimili at pinaalala ang tamang paggamit ng helmet lalo pa at sa sunod sunod ang balitang aksidente sa motor. Gayundin, ipinaliwanag din ni PC Mallorca ang dulot sa pamimili at ibig sabihin ng bagong labas na proklamasyon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang Proclamation No. 55 : Declaring a State of Emergency on Account of Lawless Violence in Mindanao. Ibinihagi din ni PD Mallorca kung paano napagtagumpayan ng representante ng Romblon na nagmula sa Mabini National high School ang pinakamataas na medalya sa Regional Quiz Bee noong nakaraang taon.
Taos pusong pinasalamatan ng DTI ang mga kalahok, ang pamunuan ng Barangay Mabini, Mabini NHS sa pamumuno ni Principal Lucin F. Fruelda at kay Corcuera Mayor Rachel M. Bañares sa mainit na pagyakap at pagtanggap sa programa ng DTI.