Isang pating ang aksidenteng na lambat ng mga mangingisda sa bayan ng Santa Maria nitong August 27.
Ayon sa mga saksi, nalambat ito malapit sa baybayin ng Barangay Paroyhog sa nasabing bayan.
Ayon kay Patricia Marie Gado, residente ng nasabing barangay, patay na umano ng malambat ng mga mangingisda ang nasabing pating kaya nagtawag siya ng mga kasama upang dalhin ang nasabing isda sa dalampasigan.
Hindi na rin ito naisumbong sa awtoridad at kinatay na lamang ng mga nakalambat.
Mahigpit na pinagbabawalan ang panghuhuli sa mga pating at rays sa bansa dahil sa itinuturing na itong mga endangered species.